慈悲有情 |
你有旅遊時,因飲食無法提供「素食服務」或「吃到肉」的困擾嗎?
不論你什麼原因吃素,大乘定香精舍 整理這份素食旅遊必備資訊,並翻譯成多國語言,以方便你旅遊前讓食宿的飯店、旅行社、餐廳、航空公司、或是你的導遊,讓他們了解你素食的需求,既是自利也是利他,讓後來的素食者也有素食可以吃。
以下除「繁體中文」之素食說明外,更翻譯成英、法、日、簡体中文等語言,其他國語言持續增列中......
下載多國語言素食說明PDF檔
https://goo.gl/cD1kdA
(菲律賓文版)
Mahahalagang Impormasyong Dietary Para sa Vegetarian na Manlalakbay
(菲律賓文版)
Mahahalagang Impormasyong Dietary Para sa Vegetarian na Manlalakbay
Ang vegetarian na diet ay
isang kausuhan sa daigdig, isang modernong bagong kalakaran. Parami nang parami
ngayon ang sumusubok sa vegetarian diet sa iba't ibang dahilan. Ang ilan ay
dahil sa relihiyosong mga rason; ang ilan ay pangkalusugan, para sa kapaligiran
at bilang paggalang sa buhay ng mga nilalang. Samakatuwid, binabago ng mga tao
ang kanilang kinagawian sa pagkain at sinusubukan ang vegetarian diet. Habang
inilalaan ang pinakamahusay na room service at serbisyo sa pagkain sa buong
mundo, dapat ding alagaan at respetuhin ng hospitality business provider ang
mga pangangailangan para sa isang vegetarian diet.
Habang ang vegetarianism ay unti-unting nagiging popular sa
pang-araw-araw na pamumuhay, ang mga mamimili ay inaalok ng dumaraming bilang
ng mga pagpipilian pagdating sa vegetarian diet. Upang matugunan ang
pangangailangan ng mamimili at ang kalidad ng serbisyo, dapat ilaan ng
hospitability business ang detalyadong menu at mga indikasyon ng mga nilalamang
sangkap.
1. Vegan/Striktong vegetarian (non-allium):
Ang pagkaing vegetarian na
ito ay HINDI naglalaman ng: anumang uri ng hayop, pagkaing-dagat, itlog, mga
produkto at by-products ng gatas, WALANG anumang allium spices tulad ng
sibuyas, bawang, scallion, shallot, at leek pati na rin ng chives at iba pang
mga pampalasa. Ito ay kilala rin bilang Buddhist Vegetarian.
Ang mga relihiyosong tao at
meditators ay nasa non-allium diet rin.
2. Ovo vegetarian pagkain:
Ang pagkaing vegetarian na
ito ay naglalaman ng lahat ng uri ng mga gulay at itlog. Ito ay HINDI
naglalaman ng gatas o ng mga produktong galing sa gatas.
3. Lacto vegetarian pagkain:
Ang pagkaing vegetarian na
ito ay naglalaman ng lahat ng uri ng mga gulay at gatas. Ito ay HINDI
naglalaman ng itlog o produktong itlog.
4. Lacto Ovo vegetarian pagkain:
Ito ay isang Vegetarian Meal
na maaaring ring maglaman ng mga itlog at mga produktong galing sa gatas. HINDI
ito naglalaman ng anumang uri ng isda o karne.
5. Pure Vegetarian/Striktong vegetarian (allium-flavoured):
Ang pagkaing vegetarian na
ito ay naglalaman ng lahat ng uri ng mga gulay kabilang na ng allium-flavoured
na mga gulay tulad ng sibuyas, bawang, scallion, shallot, at leek pati na rin
ng chives at iba pang mga pampalasa. Maaari rin itong maglaman ng mga itlog at
ng mga produktong galing sa gatas. HINDI ito naglalaman ng anumang uri ng isda
at seafood.
Upang maging magalang sa
vegetarian at sa kaligtasan ng pagkain, ang vegetarian ay dapat bigyan ng
kaparehong serbisyo na tulad ng sa non-vegetarian. HINDI ng serbisyong
subsidiary o ibang espesyal na pagkain.
1. kapag hinahawakan ang
kaserola, cutting board, kutsilyo, mga plato, pakisuyong gumamit ng hiwalay na
mga gamit mula doon sa mga may karne upang maiwasan ang kontaminasyon.
2. Pakisuyong tukuyin kung
ang mga pagkain ay naglalaman o hindi ng itlog at gatas. Ito ay upang maiwasan
ang madalas na pagtatanong.
3. Pakisuyong tukuyin ang
"vegetarian section" na may notice board para sa kapakanan ng
customer na nasa lugar ng buffet.
Magbigay ng impormasyon
hinggil sa vegetarian dietary service sa hotel, website ng lodge para sa mas
mahusay na impormasyon at mga pagpipilian ng mamimili.
Pagbabahagi ng simple at masarap na mga vegetarian recipe.